#adventure #love #travel



#love#travel#adventure

Gusto ko lang ishare yung experience ko/namin last February. Nung pumunta kami sa lugar na wala kaming kaalam alam. Di namin alam ang daanan papunta sa mga lugar na pupuntahan namin. Di kami sigurado kong tama ba yung sinasabi ng GPS na yan. Sa Subic kasi kami nagpunta. Dalawa lang kami. Sa pagsakay pa lang ng bus, adventure na. Sabi ko nga di namin alam ang daan.

Feb.5 ng gabi kami bumyahe. Sumakay kami ng bus papuntang Pasay, pero sa may Sison, Pangasinan kami bumaba. Dun sa may terminal ng Victory Liner. Kasi eto lang ata yung bus na papunta sa Olongapo.

image

Mga 1:00am ata yun nung nakasakay kami. Halos limang oras din ata yung byahe namin gang makarating kami sa Olongapo. Nung andun na kami, kumain muna kami. May nga fast food naman na malapit sa terminal kaya naglakad na lang kami. Kumain kami sa Jollibee. 

image

image

image

Dito na kami sa Olangapo to. Bale eto yung ginawa naming marker para di kami maligaw kung babalik kami sa terminal. Haha!

Pagkatapos naming kumain, sumakay kami ng yellow jeepney papunta ng Subic Bay Freeport Zone. Bale 7-8pesos ang pamasahe ng isa, Yun yung first time naming sumakay ng jeep na magkasama. Hindi lang napicturan kasi marami kaming bitbit, actually bitbit niya pala kasi siya lahat nagbuhat ng mga bag namin. Haha! 

image

Bale dito yun. Nung naglalakad kami papasok diyan, tinanong kami ng guard kung saan kami pupunta, sabi namin sa Zoobic Zafari, kaya pinapasok na kami. Lahat ata ng nakasabayan namin na naglalakad e papunta sa mga trabaho nila. Lakad  lang kami ng lakad gang may mga nakita kaming mga pampasaherong sasakyan. Nagtanong kami sa pulis at iba pang mga tao na nakikita namin kung saan ang sasakyang papuntang Zoobic Safari. tas may nagsabi na “may shuttle diyan hintayin niyo na lang”. Tas nung tumingin tingin kami sa mga sasakyan may nakita kami ng parang truck na may nakalagay na “Zoobic Safari”.

image

Eto yun. Yan yung sinakyan namin papunta sa zoobic safari. Ang napansin namin, puros mga empleyado ata ng Zoobic Safari ang mga nakasakay dito, at nakisakay lang kaming dalawa. Haha! Bale nalibre kami ng pamasahe papunta dito. Ok na yun kesa naman mataxi kami ng pagkamahal mahal. Experience din to. Hehe. First time. wala pang 8:00am nung nakarating kami sa Zoobic. Kami din ata ang mga first tourista nila. NAKS! Tourista. Hahaha!

Pero syempre, bago ka makapasyal sa Zoobic Safari, pumunta muna kami sa may information center at ticketing para bumili ng ticket. Depende sa package na kukunin mo. May mas mura, meron din yung mas mahal. 

White Package yung kinuha namin, Php645/pax.

Bago ka makapasyal, kelangan munang may tatak na ganito. Tapos magkakaroon din ng orientation. Meron ding magpipicture sainyo. Tapos babayaran mo kung gusto mong iprint out nila. Pero samin di kami nagpaprint. Hahaha!

Bale eto yung ginamit namin sa paglilibot sa buong Zoobic Safari. Inabot kami ng dalawang oras. :)

Habang naglilibot, may binigay pa silang ice towel. Yun yung parang ice candy pero bimbo yung laman. May kunting ice kasi galing ata sa freezer. Hahaha!

Tapos eto rin pala yung sinakyan namin nung pumunta na kami sa may mga tiger at lion. Choice mo din yun kung gusto mong pakainin yung tigre at leon. Pero may bayad yun. 200 ata. Di kami nagavail, kasi sinabi ko na ayoko. Haha!

…to be continued. :)



#love #travel #adventure

#love #travel #adventure



#TGIF #ijust #love #myself #the#eyes hahaha! :)

#TGIF #ijust #love #myself #the#eyes hahaha! :)



Hannah’s Beach Resort. #adventure#joyride#love#travel #beach

Hannah’s Beach Resort. #adventure#joyride#love#travel #beach



Patiently waiting…

       Hihintayin ko yung tamang panahon para saming dalawa. Hindi pa ngayon yun, alam ko. Pero hihintayin ko yung dalawang taon na pinangako niya sakin. Dalawang taon at makakasama ko na siya. Dalawang taon at magiging okay na ang lahat. Dalawang taon, hindi na ko masasaktan ng ganito at magtitiis pa. Dalawang taon at masasabi kong akin na akin na talaga siya. Dalawang taon at magbabago ang lahat.

Kung iisipin ko, hindi yun ganun kadali. Oo, hindi talaga ganun kadali yun. Madami kaming pagdadaanan bago dumating yung araw na pinakahihintay namin.

Mali man ang tingin samin ng mga tao ngayon, darating yung araw na magiging tama ang lahat. We’re not a perfect couple, but we’re perfect for one another. :”>

(Source: superdyowana)



Yung paggising mo sa umaga, mag magtitimpla ng kape para sayo.  :”> pero siya din yung uubos. Hahaha! Sweet pa rin. :)))

Yung paggising mo sa umaga, mag magtitimpla ng kape para sayo.  :”> pero siya din yung uubos. Hahaha! Sweet pa rin. :)))

(Source: superdyowana)



Hindi kelangan ng materyal na bagay para mapasaya mo yung taong mahal mo.

Pano ba i-celebrate ang monthsary/anniversary? Kelangan ba ng madaming flowers, chocolates, cakes, bears? Kung ako lang naman ang tatanongin niyo, hindi ko kelangan ng mga ganung bagay. Kasi yung mga ganyan pwedeng maubos, pwedeng mawala, pwedeng masira.

Kahapon, masasabi kong isa sa pinakamasayang nangyari sa buhay ko, so far. Wala akong natanggap na bouquet of flowers, walang cake o chocolate o kaya teddy bear. Alam mo kung anong meron? ADVENTURE! Oo, isang kakaibang pangyayari ang naganap kahapon. Mahabahaba ang biyenahe namin, sobrang layo, ilang oras din yun. Kung tutuusin, nakakapagod yung biyahe. Pero alam mo kung anong kakaiba? Wala kang naramdamang pagod. Kundi puros tawa, ngiti,saya lang yung naramdaman ko.

Yun na yung pinakamalayong lugar na narating ko dito sa North. Dinala niya ko dun dahil alam niyang matutuwa ako. Oo, natuwa talaga ako dun. SObrang saya. Diko nga maexplain kung gano ko kasaya. Madami kaming nalibot sa isang buong araw lang. Kahit medyo kulang sa oras, napuntahan naman namin lahat ng mga sinabi kong gusto kong puntahan. Walang palya.

Madami pa sana akong gustong ikwento, kaya lang limitado lang ang bawat salita at post ko dito. Kasi hindi ko alam kung merong sumisilip dito sa blog ko tapos ichichismis ako sa iba. Mga panira sila ng moment noh? Hahaha!

Basta, masaya ako. Masaya kami. Wala na kong masasabi kundi, the best na anniversary date yun. Pero, more to come pa. Haha!

(Source: superdyowana)



MESSAGE GALING KAY BOYFRIEND!
HAPPY ANNIVERSARY BABE!

BABE, One year na tayo! Naalala ko pa non ng simulan kitang pangarapin patingin-tingin at hanggang tanaw lang ako sa malayo. Ilang pista niyo din ako nagpapapansin sayo pero langya ka Babe di mo man lang pinanpansin mga papansin ko noon hahaha. Meron pa yung time na kunwari binabangga kita pag nakakasalubong pero walang epekto parin sayo kaya yun naging pangarap kana lang sakin. Laking pasasalamat ko ke pareng Mark Zuckerberg dahil inimbento niya ang facebook dahil dito mas lalo kitang nakilala, palaging nakikita at yun ang araw na naging official stalker mo ako. Halos magdasal ako na pansinin mo everytime na makita kitang online until nagkaroon ako ng lakas ng loob na makipag chat sayo at dun na nagsimula ang lahat, nagsimulang mas mahalin ka pa. Naging masaya ako sa bawat oras na kachat ka babe gusto ko noon lagi kitang napapasaya, napapangiti napapatawa hanggang sa magtagumpay akong maging close tayo at dun ko sinamantalang unti-unti at pilit na na abutin yung babaeng pangarap ko. Alam kong napaka imposible noon dahil hindi lang edad ang dahilan kundi dahil na din sa sitwasyon ko. Babe nahahalata kong gusto mo din ako noon at dahil dun sobrang natuwa ako pero yung maisip ko non na baka di mo kayanin at masaktan ka lang sa magiging sitwasyon natin nagdecide akong bumitaw at kalimutan ka. Yun ang dahilan babe kung bakit kita iniwan non dahil kaya kong isakripisyo ang pangarap na aking naabot wag ka lang masaktan pero ang hirap d ako makatulog sa gabi, palaging tulala bawat oras ikaw naiisip ko, meron pa yung time na napapanaginipan kita noon. Halos araw araw gusto kong lumabas para makalimutan ka lang kaso wala babe mahirap talaga kapag puso ang kalaban. Laking pasasalamat ko babe dahil sa kabila ng pag bitiw ko tinanggap mo pa din ako. Maraming salamat babe yun yung araw na nagpasalamat ako dahil ikaw ang pinili kong mahalin. Di mo lang alam kung gaano ako kasaya nong naging akin ka babe. Babe Isang taon na nakayanan natin ang mga selosan, inis, away, galit at tampuhan. Hindi ito naging balakid sa ating relasyon kundi ang mga ito ang nagsilbing patunay na talagang mahal natin ang isat-isa. Pinatunayan natin na kahit ano at gano kabigat man ang problemang dumating hindi nito kayang tibagin ang pagmamahalan natin.

superdyowana:

 Iloveyou so much babe! Thank you sa adventure kahapon! :*



Isa sa mga pinakamasayang araw sa buhay ko. :’)

Isa sa mga pinakamasayang araw sa buhay ko. :’)

(Source: superdyowana)



Nananaginip ng gising.
  • Babe: Yakz.
  • AKO: Babz.
  • Babe: im feeling pogi tonight.
  • AKO: ows?
  • Babe: As always.
  • AKO: you sleepy?? as always..


  Yung pakiramdam na ikaw yung babaeng matagal ng hinahanap ng taong mahal mo. Yung ikaw yung nakapagpatino sa kanya. Sa dinamirami ng babaeng dumaan sa buhay niya, Ikaw yung babaeng gusto niyang makasama habambuhay. Na ikaw lang yung babaeng minahal niya ng totoo at seryoso.

 Wala na sigurong mas sasarap pa sa pakiramdam kung pwede na kitang makasama araw-araw.

(Source: superdyowana)



diarynidayri:

The guy that:
Will make an ordinary moment seem magical.The kind of guy that brings out the best of you and makes you want to be a better person.
Will drop everything to be with you at any time.No matter what the circumstances.
Who makes you smile like no one else. And when he smiles you know he needs you.
Wants to show you off to the world when you’re in sweats and have no make up on, but loves it when you get all dolled up for him.
Will put you in the center of his universe because that’s where you belong ♥

diarynidayri:

The guy that:

  • Will make an ordinary moment seem magical.The kind of guy that brings out the best of you and makes you want to be a better person.
  • Will drop everything to be with you at any time.No matter what the circumstances.
  • Who makes you smile like no one else. And when he smiles you know he needs you.
  • Wants to show you off to the world when you’re in sweats and have no make up on, but loves it when you get all dolled up for him.
  • Will put you in the center of his universe because that’s where you belong 


Hindi naman maiiwasan magselos eh.

(Source: batangiyakin)



The relationship we had was never that ordinary. Oo nagsama tayo, sumaya at nasaktan. Pero bakit lagi nalang nasa huli masasaktan ka. Minahal mo ako, minahal kita. Ano paba kelangan natin ipakita sa iba. Bakit ang pagibig mapaglaro. Bakit minsan hindi pabor ito sa dalawang taong nagkakasundo ng kanilang mga nararamdaman. Minsan napapaisip tuloy tayo bakit pa tayo umiibig kung masasaktan pa tayo. Kahit saan ka pumunta masasaktan ka. Kahit kanino ka pa pumunta masasaktan ka. Dahil putangina mahal kita sana ipaglaban mo din ang nararamdaman mo para sakin.



Theme made by Max Davis.